Di pa rin maalis sa isip ko ang ngiti. Aminado akong sa tagal kong kaharap ang notebook ko, ni wala pa sa kalahati ang nasasagutan ko. Naalala ko pa rin ang mga nangyari kanina. Sinalat ko ang mga labi ko, first kiss ko ang ginawa nyang paghalik sa akin bagamat di sinasadya. Di man ito ang pinapantasya kong maging first kiss ko, nagulat pa rin ako sa tindi ng epekto. Nakaukit pa rin ang maamo nyang mukha sa isipan ko, ang lambot ng katawan nya, at ang boobs. Ganun pala un, ang lambot, ang sarap hawakan. Napangiti ako sa naisip ko. Nagpasya na akong itigil na ang ginagawa ko. Sa estado ng pagiisip ko, malamang walang mangyayari sa assignment ko. Baka maidrawing ko pa ang mukha ni Marie. Mangongopya na lang ako. Napatingin ako sa relo.
“Hmm, Dong-Yi.”
Dali dali akong pumunta sa kwarto upang kumuha ng barya. Mas masarap manuod ng may pinapak ka. Lumabas ako ng bahay. Di pa ako nakakalayo ng may narinig akong parang nag kakasiyahan.
“Tulong !.” boses matanda.
“Oh no!. Not Again!” parang alam ko na ang nangyayari. Diyata’t may nangangailangan na naman ng tulong ko?.
May nagtawanan. Sinundan ko ang ingay. Napunta ako sa likod bahay ni Ka Isko.
“Sayaw!” malakas na sabi ni Isko sa matandang sa malas ay sya ata ang gustong gawing ka table.
Nakita ako ng matanda sa pinagtataguan ko. Parang nakikiusap ang mga mata nya.
“Pag sinabi kong sayaw, sasayaw ka !.” sabi muli ni Isko sabay tadyak sa sikmura ng matanda.
Di pa sya nakuntento, muli nyang sinipa ang pobre. Nagtawanan ang mga kainuman nya. Namilipit sa sakit ang matanda. Muli, tumingin ito sa pwesto ko at parang nag makaawa. Bumuka ang bibig ngunit walang salitang namutawi.
Tinayo ni Isko ang matanda. Kinuha nito ang pitsel na may tubig at unti unting binuhos sa ulo ni tatang.
Di ko na natiis ang mga pangyayari. Lumabas na ako sa pinagtaguan ko. Bahala na.
“Hello guys!. Mukang may hapi hapi na naman ah?. Pwede ba arbor ko na si tatang.? Sinubukan kong makiusap sa ungas.
Tumingin lang sakin si Isko at ngumisi.
“Hoy Totoy, umuwi ka na at baka ma T-spin kita.” Muli nitong inasikaso si tatang.
Nagtawanan ang mga kolokoy.
Di ako nawalan ng pag asa.
“Hey Guys, I want to share you something. Alam nyo bang buntis si lola Paula? And guess who’s the father?. …. Sirit na?.. Walang iba kundi si ISKO!...” sinubukan kong asarin sya baka sakaling tumigil.
Tumahimik ang lahat. Tinitigan lang nila ako. Akala ko di bebenta ang joke ko. Pero bigla silang naghagalpakan ng tawa. Namula sa galit si Iskong Tiger. Sinalya nya ang matanda sa lupa at dumampot ng basyo ng bote. Binato nya to sakin. Kitang kita kung panu lumipad sa ere ang bote. Ang di ko maintindihan ay parang napakabagal ng pagdating nito. Ng eksaktong tatama na sa maamo kong mukha ang bote, inilag ko ang ulo ko. Lumampas lang ito. Nagulat sila sa nagawa ko. Pati ako na amaze. Ngumiti ako ng matamis kay Iskong Tiger.
“Galing noh?.” Pang aasar ko pang lalo.
Sumugod si Isko. Sumunod ang mga kasama nya. Humanda na ako para masaktan. At least worth it kasi tumulong naman ako.
Napalibutan na ako ng apat. 4v1 ang laban, di patas. –switch dapat isa. Pero alam ko walang lilipat. Shop ata sila. Naramdaman kong parang may mananakit sa likod ko. Naiwasan ko ito ng di tinitingnan. Parang napakabagal ng mga pangyayari. Slow motion sila. Nararamdaman ko ang mga galaw nila. Di ko maintindihan ang mga nagaganap. Pero di ko na ito pinansin at lumaban na lang.
Lumipas ang tatlong minuto at lahat sila nakatumba na sa lupa. Nanatili akong nakatayo, ni walang sugat o galos. Hindi man lang ako napagod. Ngumiti ako sa nagawa ko. Tinitigan ko si Isko.
“Ano?. Pag bilang ko ng 5 at nandito pa rin kayo.. pasensyahan na lang.” pananakot ko.
Di pa ako nagsisimulang magbilang. Nag-unahan na sa pagtakbo si Iskong tiger pati mga dabarkads nya. Ako ang nagwagi sa clash.
Naalala ko si manong. Nilingon ko sya. Nakahandusay pa rin ito sa sahig, hawak ang tyan na sinipa ni Isko kanina.
“Ok lang ba kayo manong?. Tanong ko..
“Salamat iho. Ok na sana eh.. medyo masakit lang etong sikmura ko.. ang galing ng ginawa mo.”
“Ah yun po ba?.. galing ko noh?.
“Uu, imba ka boy.”
“hehe.. may masakit po ba?”.
“eto ngang tyan ko.. paulit ulit?.., kaya mo bang gamutin to?”
“Ho?.. Di po ako doktor o manghihilot..”
“Subukan mo lang.. nagawa mo nga yung kanina eh..”
Mukang trip talaga ako ni tanda. Pagbibigyan ko na nga toh. Hinawakan ako ang tyan ni manong.
“Oh ayan tatang.. Ok na ba?” tanong ko.
“Masakit pa rin..subukan mo ulet.. isipin mo na gagaling ako.. hilingin mo sa sarili mo na mawawala ang sakit na nararamdaman ko.. mag concentrate ka sa mga kamay mo.” Paliwanag nya.
“Tatang.. nag rurugby ka ba?.. baka nag sosolvent ka?.. di nga po ako marunong manggamot.!” Medyo asar na ako.
“BASTA GAWIN MO NA !..” sigaw nya..
Nagulat ako sa pag alsa ng boses ni manong. Parang nag iba. Nag iba ang dating ng hangin sa akin. Parang uminit bigla ang paligid. Seryoso pa rin ang mukha nya. Nakaramdam na ako ng takot. Ginawa ko na lang ang pinagagawa nya para matapos na.
“Relax Tatang.. wag ka masyado highblood.” Kabado na ako dito kay manong.
Nagconcentrate ako. Sabi nya isipin ko daw na gagaling sya. Hinawakan ko ang tiyan ni manong.
“Mag concentrate ka sa loob mo. Hugutin mo ang lakas mo at ipunin mo sa palad mo. Tapos unti unti mong ipasa sa akin ang enerhiyang maiipon sa kamay mo” paliwanag nya.
Parang andami nyang alam. Dahil sa takot ko sa kanya, sinunod ko na lang ang inuutos nya.
Pinikit ko mga mata ko. Hiniling ko na gumaling si manong. Parang nag iba ang nararamdaman ko. Parang may kung anong nangyayari sa kaloob looban ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Nararamdaman kong parang may gumagalaw sa mga ugat ko.
“Ganyan nga.. Ngayon kontrolin mo ang enerhiyang dumadaloy sa katawan mo. Ipunin mo lahat sa palad mo. At dahan dahan mong ipasa sa akin ang mga naipon sa kamay mo.” Dagdag pa nya.
Ang init ng pakiramdam ko. Para talagang may nagtatakbuhang kung ano sa ugat ko. Sinubukan kong sundin ang sinabi nya. Nag concentrate ako na maipon lahat sa palad ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nahihilo na ako. Parang lumalaki ang ulo ko. Inipon ko lahat sa kamay ko. Nawala ang init sa katawan ko. Napunta lahat sa palad ko. Ang init. Nag iinit ang palad ko. Parang may gustong lumabas.
“Ganyan nga.. ngayon ilabas mo at padaluyin mo sa katawan ko.” Makulit na dagdag ni manong.
Ginawa ko ang inutos nya. Pinasa ko sa kanya ang naipong enerhiya sa palad ko. Parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko. Naramdaman kong may lumabas na lakas sa buong katawan ko.
Napangisi ang matanda. Nagbago bigla ang itsura nito. Nawala ang nakakaawa effect. Nanlisik bigla ang mga mata. Ang dating itim na eyeballs, napalitan ng pula. Pero muli itong nanumbalik ng mapansing didilat na si Totoy.
“Maligayang pagbabalik.” Bulong nito.
Minulat ko ang mga mata ko. Nanlabo ang paningin ko. Una kong napansin ang nakangiting mukha ni manong.
“Ok na po ba kau?” bigla parang nanghina ako.
Nag thumbs up sign si manong. Tinitigan nya ako sabay tinuro ang ilong ko.
Naramdaman kong parang may umaagos sa labi ko. Sinalat ko ang ilong ko. Dugo!.
Napatingin akong muli kay manong. Naging nakakatakot ang itsura nito. Nahilo ako. Umiikot ang paligid ko. Tinulak ako ni manong at napasadlak ako sa lupa. Di ko na talaga kayang dumilat pa. gusto kong sumuka. Parang hinahalukay ang sikmura ko. Dumilim ang paligid. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Nahulog ako sa malalim na pagkakatulog..
.
.
.
.
“Anung ginagawa nya dito?. Hindi nya pa oras!. Bakit mo sya pinakialaman?” boses babae.
“Nakita ko syang nakahandusay sa lupa. Walang malay. Baka may mangtrip sa kanya kaya dinala ko na dito. Mukhang nagising na sya.” Sagot ng isa pang babae.
Tumahimik ang dalawa. Gusto kong magmulat ng mata para Makita ko sila. Pero parang may kung nakadagan sa mga talukap ng mata ko. Di ko magawang maimulat ang mga mata ko. Sinubukan kong magsalita. Pero mas nagulat ako, walang bosese na lumabas sa bibig ko.
“Hindi sya nagising, may gumising sa kanya. Di ko alam kung sino o ano. Hindi pa nya oras.”
“Anung gagawin natin ate?.” Tanong ng pangalawang boses.
“Iuwi mo na muna sya. Mauuna na ako sayo, kailangang malaman ito ni AMA.” Sagot ng unang boses.
“Pero babantayan ko na ba sya?.”
“Panu mo babantayan ang mas malakas sayo?” natawa ang unang boses.
“Kahit na!. baka kailanganin nya ako. Maiintindihan ako ni AMA alam ko.”
“Sus.!. kunwari ka pa. Sige. Alisin mo ang alaala nya tungkol sa nangyari kanina. Baka sakaling masarhan natin ang kapangyarihan nya. Oh paano sis.. Got to go!. “
“Ok ate. Akong bahala sa kanya. !.”
This time. Talagang inubos ko na ang lakas ko para magmulat ng mata. Nagawa ko. Pero konti lang ang nakita ko. Maliwanag. Nanlalabo pa rin ang mga mata ko. Sinanay ko ang paningin ko sa liwanag. Parang may kung anong lumipad. Nakita kong kumakaway ang isang babae. Lumingon ito sa aken. Parang nagulat sya pero maya maya ngumiti na rin. Lumakad ito papalapit sa akin. Tumabi sya sa pagkakahiga ko.
“Mukang di effective powers naming ni ate sayo. Nagising ka pa rin.” Nakangiti nyang sabi saken.
Binuka ko bibig ko para magsalita. Pero walang boses na lumabas. Natawa lang sya. Nagulat ako sa ginawa nya. Bigla nya akong hinalikan sa labi. Di ako makapaniwala. Parang biglang may kuryenteng dumaloy sa mga ugat ko. Ang kanina kong nanlalantang katawan, parang na charge. Ninamnam ko ang mga halik nya. Bihirang pagkakataon na to, samantalahin na. Sarap na sarap na ako sa halikan naming ng bigla syang tumigil. Umibabaw sya sa akin at tinitigan ako. Nakangiti pa rin sya. Mukang patay na ata ako at eto ang isang anghel sa harapan ko. Pero nakipag lips to lips?.
“Ako si Mae. Kamusta ka na Romeo?. Pwede ka ng magsalita.”
Umungol ako. May boses na nga ako.
“Anung nangyari sakin?. Nasan tayo?. Sino ka? Sunod sunod kong tanong.
Ngumiti lang sya. Nagulat na naman ako sa ginawa nya. Hinalikan na naman nya ako. Pero this time, parang inaantok na naman ako. Bumigat muli ang mga mata ko. Kahit anong paglaban ko, talagang pumipikit ang mga mata ko. Naramdaman kong hinalikan nya ako sa tenga.
“Sleep tight my dear”. Sabay kagat sa tenga ko.
Nahulog na naman ako sa kadiliman.
ITUTULOY !!!
0 comments:
Post a Comment