Nagulat ako dahil narinig ko ang kalabog sa labas ng bahay nila dahil nahulog ang hanger sa sahig dahil nagkamali si Tita Perla ng sabit sa sampayan. Natauhan na ako nung oras na yun at nagkunyaring kumatok na sa pinto, bago pa si Pat (Patricia) makaharap sa pintuan kung saan ako nakatayo at mahuling kanina pa ako nanduduon.
TOK TOK
Patricia: “Oy, pasok ka kuya, bakit ang tagal mo naman? Patapos ka na kumain kanina bago kita iwanan ah.”
Ako: “Eh, pano kinuha ko pa itong CD bag sa kabinet, at hinanap ko pa ang ibang installer ko na nakakalat, teka, bakit ikaw pa itong nagrereklamo, ikaw pa nga itong nakaka istorbo eh.” Nakangiti kong sabi dahil hindi lang sa aming deal, yun ay dahil sa aking nakita kanina lang.
Patricia: “Okay sige, sorry na. Okay simulan mo na pag check dito sa PC ko kung bakit at pano ito nagka virus.”
Lumapit ako sa PC nya, at umusod sya para bigyan ako ng daan dahil isasaksak ko pa ang plug ng AVR, lumapit sya sa kama nya at naupo dun, pagkabalik ko sa swivel ay binuksan ko agad ang PC.
Patricia: “Kuya, ano kaya ang problema jan?” tanong nya na ikinairita ko agad.
Ako: “Nakita mo namang binubuksan ko pa lang eh. Pano ko naman malalaman!” pabalang na sagot ko.
Agad syang tumahimik at namula dahil napahiya siya sa sinabi ko, pero madaling nakabawi at tumawa.
Patricia: “Ayy oo nga pala hahaha” ang lakas ng tawa nya, dahil duon natawa na rin ako.
Habang hinihintay namin ang pag boot up sa Windows 7, napansin ko nga na sobrang bagal mag boot at pumasok sa Windows, samantalang Dual Core naman ang processor nya, at 2GB DDR3 pa nga ang physical memory nya, na kung tutuusin ay recommended system na yun para sa Windows 7.
Nung makapasok na sa Windows, ay agad kong tinignan ang mga naka installed na mga programs sa kanya, ng makita ko ang mga naka installed, ay agad akong humingi ng papel at ballpane para mai-lista ang mga yun, para mai-install ko ulit pagkatapos ng format at pagre-install ng Windows 7.
Tinignan ko rin ang mga naka save sa kanyang My Documents,
Ako: “Naku Pat, marami ka palang files dito eh. Mejo matatagalan ako dito dahil kailangang i-backup ko muna itong mga ito.”
Patricia: “Okay lang yan kuya, dito ka na rin kumain ng lunch, at kung sakaling magtagal ka eh, dito ka na rin mag meryenda. Kasi yung iba jan ay hindi lang sa akin, anjan yung kay Ate Shiela at sa iba pa nating pinsan.” Sabi nya na ikinatuwa ko narin, dahil kahit papano ay mabait naman itong pinsan ko na ito, kahit kung minsan ay sobra ang kulit nito dahil isip bata pa, taliwas ito sa kanyang edad na 21 years old na.
Ako: “Sandali lang ha, babalikan ko lang ang USB Hard Drive ko sa bahay, naiwan ko sa pagmamadali ko at hindi ko rin naisip na kailangan ko rin yun kung sakaling magba-back-up pa ako.
Patricia: “Okay kuya, sige, babalik ka ha! Hihintayin kita ah!” pangungulit nya.
Ako: “Oo na sige, sandali lang ako.”
Tinakbo ko na ang aming bahay at kinuha ko ang USB Hard Drive ko na nakasalpak pa sa CPU ko. Agad ko itong kinuha at bumalik kina Patricia.
Nang makabalik na ako sa kanila, ay nakita ko si Tita Perla na abala sa paghiwa ng gulay. Binati ko siya ulit bago ako muling pumasok sa loob ng silid ni Patricia.
Agad kong sinalang ang USB Hard Drive ko, at gumawa ng Directories sa Backup Partition ko.
“Patricia Files” usal ko habang tinitipa ang keyboard. Nang biglang mainis ako dahil hindi gumagana ang letter “E” sa keyboard.
Nainis ako at tinanong siya kung bakit sira ang “E” niya? Hindi daw niya alam, kako baka dahil sa virus ito kaya nagkaganito.
So, matrabaho tuloy, gumamit pa ako ng On-Screen Keyboard.
Nang nakagawa na ako ng Directory, ay agad kong SELECT ALL at CUT and PASTE sa bagong Directory na kagagawa ko pa lang.
Ayun, at nagsimula na ito mag calculate ng mga files, bago niya i-move.
Nagulat ako dahil halos 61 GB ang laman ng kanyang mga files. Ano kayang mga laman nito at ganito ito karami at kalaki? Grabe naman... hindi ko na yun pinansin, at hinayaan ko na lang matapos ito at mag move pagkatapos.
Nilingon ko si Patricia, nakita kong may ka text ito sa kanyang cellphone. Naingit ako kaya nagpaalam ulit ako sa kanya na kukunin ko rin ang aking cellphone at PSP dahil alam kong matatagalan pa ang aking gagawin at baka maboring ako.
Nang ako ay makabalik, nakita ko na nagluluto at nagsasaing na si Tita Perla at napansin ko ang orasan sa ding ding ng kanilang sala, 11 am na.
“Tanghali na pala kaya nagugutom ulit ako” kako sa sarili ko.
Bumalik ako sa silid ng pinsan ko, at sinilip ang ginagawang pag move. As usual, 2% pa lang ito dahil sa laki ng nililipat na mga files.
Naupo ulit ako sa swivel at binuksan ko ang PSP ko, para maglaro muna.
Patricia: “Ayy, ang daya mo ah. Buti pa ikaw may libangan ako wala.”
Ako: “Eh, busy ka naman jan sa kaka text sa cellphone mo eh, kaya nainggit ako kaya kinuha ko ito, at dahil alam kong matatagalan itong ginagawa ko dito.
Patricia: “Hindi naman ako nagte-text eh. Wala nga akong load. Paano ako magte-text? Naglalaro lang ako ng game.”
Hindi na ako nag kumento pa, dahil namimili na ako ng laro, at pagtapos kong mamili ay pinili ko ang latest save file ko at nagsimula ng maglaro.
Patricia: “Ang ingay naman, talagang ini-inggit mo pa talaga ako ah!” inis nyang sabi.
Ako: “Sorry, sige, mag-he-headset na lang ako.” Kako bago pinasok ang headset sa tenga ko.
Nawiwili na ako sa paglalaro ko ng may kumalabit sa akin. Si Tita Perla pala yun, ng alisin ko ang nakapasok na headset sa akin.
Tita Perla: “Tinatawag na ako ng Tita Amanda nyo at ng Mama mo dahil magsisimba na raw kami” sabi nya na ikinagulat ko, napansin ko rin na nakapag bihis na sya pang alis.
Patricia: “Ma, nakapag luto ka na ba?” sabi nito nang hindi lumilingon kay Tita dahil abala ito sa paglalaro.
Tita Perla: “Oo, andun na sa kusina, sobra sobra nga yun para sa inyong dalawa eh.”
Patricia: “Okay, Ma, pasalubong namin ni kuya ah. Gusto ko ay burger McDo, ikaw kuya, ano gusto mo?” baling nya sa kin.
Ako: “Kahit ano po Tita.” Baling ko naman kay Tita ng nakangiti.
Tita Perla: “Okay, sige, baka mga hapon na nga pala kami makakabalik, dahil sasamahan ko ang Tita Amanda nyo sa SM North, dahil kukuhain nya ang padala ng Tito Patrick nyo at dun na rin kami bibili ng meryenda nyong dalawa.”
Ako: “Eh.. Tita, paano po si Dexter?” naalala ko bigla ang kapatid ko, na baka magutom sa bahay, dahil hindi ako makaalis dahil may ginagawa nga ako.
Tita Perla: “Ayun, nung malaman na pupunta kami ng Mall, ay agad naligo at nagbihis.”
Sabay pa kaming napatawa ni Patricia, at humalik na kami kay Tita Perla at nagpaalam na.
Napaisip ako, kung ganun ay solo namin ng pinsan ko ang buong bahay, dahil nasa Qatar ang Tito Monching ko.
0 comments:
Post a Comment