1 –
Isa
Naging kapansin pansin si Mrs.
Laging nakaabang sina Paulo at mga kasamahan nito kay Mrs. Mendoza tuwing sasakay ng elevator pababa upang kumain ng tanghalian kasama ang mga lunchmates niya. Di nila mapigilan ang maglokohan sa isat isa sa tuwing makikita nila ang kanilang pantasyang si Mrs. Mendoa. Ngunit sa kanilang mga sarili, alam nila na imposible naman patulan sila ni Mrs. Mendoza dahil bukod sa ito’y maganda, mayaman at kagalang-galang kung tingnan, sya rin ay may asawa na magandang lalaki.
Likas namang mabait si Mrs. Mendoza. Lagi syang nakangiti kanino man, sa kanyang mga kasamahan sa opisina, sa kanilang mga customers, at maging mga mga ordinaryong nagtitinda ng kung ano-ano. Maging sina Paulo at mga kasamahan nito ay mabuti ang pakikitungo ni Mrs. Mendoza.
Isang araw, kailangan ni Mrs. Mendoza ng tulong mula sa mga gumagawa ng kanilang building dahil may gusto syang ipakabit na larawan ng kanyang pamilya sa kanyang opisina. Dahil nga kailangan ng magbabarena, pinapunta si Paulo ng kanyang boss sa opisina ni Mrs. Mendoza. Dala ang kanyang barena, pumunta si Paulo sa opisina ni Mrs. Mendoza at tinanong ang kailangang gawin. Dagli namang natapos ang trabaho at masayang nagpasalamat si Mrs. Mendoza kay Paulo. Nagtangka pa si Mrs. Mendoza na magabot ng pera kay Paulo na sya namang tinangihan nito.
Kinabukasan, me dalang sandwhich si Mrs. Mendoza para kay Paulo at sa kanyang kasamahan bilang pasasalamat. Tuwang tuwa sina Paulo dahil sa kabaitan ni Mrs. Mendoza. Nang araw ding yon, kailangan ni Mrs. Mendoza na mag-Over Time. Nagsabi sya sa kanyang asawa na alas 9 na sya sunduin sa opisina.
Uwian na nila Paulo ng alas sais. Bago sya umuwi, nakita nya si Mrs. Mendoza na nasa kanya pang opisina. Naglakas loob sya na puntahan si Mrs. Mendoza para magpalasamat. Dahil sa katahimikan, nagulat pa si Mrs. Mendoza ng nagsalita si Paulo mula sa kinatatayuan nito sa may pintuan ng opisina.
“Walang anuman yon. Pasalamat ko din sayo yun sa pagtulong mo sa akin kahapon.” Ang sabi ni Mrs. Mendoza kay Paulo. “Salamat uli Maam.” Sagot naman ni Paulo. Dun nagsimula ang mas dumalas na batian ng dalawa. Hangang dumating uli ang araw na gagabihin uli si Mrs. Mendoza sa opisina. Nagplano si Paulo upang sya man ay manatili sa building ng mas gabi kaysa sa ordinaryong uwi nya.
Inabangan niya si Mrs. Mendoza na pasakay ng elevator para kunwari ay magkakasabay sila pababa kahit ang patakaran ay di sya pwede gumamit ng elevator na para sa mga empleyado lamang.
“Nandito ka pa rin?” tanong sa kanya ni Mrs. Mendoza. Bigla na
Di pumasok sa opisina si Mrs. Mendoza kinabukasan. Takot na takot si Paulo sa kung ano ang maaring gawin ni Mrs. Mendoza. Hangang sa muling pumasok si Mrs. Mendoza sa kanyang opisina. At dahil wala namang kung ano man ang nangyari, naging kampante rin si Paulo na di na lang magsusumbong si Mrs. Mendoza kanino man sa kanilang opisina.
Nakatyempo isang araw si Paulo upang humingi ng tawad kay Mrs. Mendoza. Binalaan naman sya ni Mrs. Mendoza na huwag na uli gagawin ang kanyang ginawa kung ayaw nya managot. Mula nuon, naging malamig na ang pakikitungo ni Mrs. Mendoza kay Paulo at maging sa kasamahan nito.
Si
0 comments:
Post a Comment